• ba•yá•bas u•wák

    1. :
  • ba•yá•bas

    1. :
      palumpong hanggang maliit na punongkahoy (Psidium guajava) na may bungang bilugán, mabutó, at nakakain, katutubò sa tropikong Amerika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol, may mga bagong uri na ipinasok kamakailan sa Filipinas gaya ng guavajava na malaki ang bunga
  • u•wák

    1. 1:
      alinman sa malakíng pangkat ng ibong may maitim na balahibo at kabílang sa family Cordivae, lalo na ang genus Corvus
    2. 2:
      tao na matakaw at taksil
  • ba•tú•tang u•wák

    1. :
      baging na nakahahawig ng patola pati na ang bunga nitó
  • pa•tó•lang u•wák

    1. :
      baging na magaspang, may malapad na dahon, murang dilaw ang bulaklak, malaki at hugis itlog ang bungang may tíla mga tinik
  • u•wák ba•tà

    1. :
  • ka•lúng u•wák

    1. :
      uri ng gabe